Confidential funds ng DepEd, mas dapat gamitin sa pagtugon sa mga problema sa sektor ng edukasyon

Iginiit ni Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas sa Department of Education (DepEd) na gamitin sa ibang problema sa sektor ng edukasyon ang P150 million na confidential funds nito.

Pangunahing tinukoy ni Brosas na mas dapat iprayoridad ng DepEd ang pagpapatupad ng literacy programs para matugunan ang mataas na antas ng kahirapan ng mga mag-aaral na matuto.

Tinukoy ni Brosas ang 2021 report ng World Bank na 90 porsyento ng sampung taong gulang na mga Pilipino ang nahihirapan o hindi pa rin marunong magbasa.


Diin ni Brosas, mas karapat-dapat na pondohan ang pagtulong sa mga kabataan na magtutong magbasa sa halip na magsagawa ng surveillance sa mga paaralan.

Dismayado si Brosas na 1-porsyento lang sa kabuuang pondo ng DepEd ang nakalaan sa National Learning Recovery Program kahit inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang State of the Nation Address ang pagsusulong sa learning recovery.

Facebook Comments