Confidential funds ng ERC, na-realign na sa ibang line-item projects

Pinatanggal na ng Senado ang confidential funds na nakapaloob sa pondo ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa plenary budget deliberation para sa P1.127 billion na pondo ng ERC sa 2023, sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na na-realign na ang P15 million confidential funds ng ERC sa ilang mga line-item project na higit na nangangailangan ng pondo.

Bago pa man masita ng oposisyon ang CIF ng ERC sa plenaryo, inihayag ni Gatchalian na sa level pa lang ng Finance subcommittee hearing ay inalis na ang confidential funds.


Aniya pa, mismong si ERC Chairman Atty. Monalisa Dimalanta ang humiling na ilipat ang confidential funds.

Pinuri naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang magandang halimbawa na ginawa ng ERC na mapapakinabangan nang husto ng mga line-item program tulad sa consumer education.

Facebook Comments