Iminungkahi ni dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez na itaas sa 100-million pesos ang P51.468M na confidential funds para sa Office of the Ombudsman.
Para kay Alvarez, hindi ito sapat para epektibong magampanan ng Ombudsman’s Office ang mahalagang tungkulin nito sa pagsasagawa ng imbestigasyon at pagsasampa ng kaso para mapairal ang pananagutan at transparency sa gobyerno.
Narito ang pahayag ni Congressman Pantaleon Alvarez sa pagbusisi ng House Committee on Appropriations sa P5.05 billion proposed 2024 budget para sa Ombudsman.
Tiniyak naman ni Ombudsman Samuel Martires na kayang kaya nilang maka-survive kahit maliit ang alokasyon para sa confidential funds dahil sa tingin niya ay maari naman silang makisuyo sa intel community nang hindi gagastos.
Pero kung tatapyasin ang confidential funds ng kanyang tanggapan ay inihirit ni Martires na ilipat na lang ito sa kanilang maintenance and other operating expenses.