Confidentiality ng COVID-19 patients na magpapakonsulta sa telemedicine hotline, tiniyak ng DOH

Matapos magbukas ang Department of Health (DOH) ng COVID-19 hotlines para sa mga pasyenteng hinihinalang tinamaan ng COVID-19, tiniyak ni Health Sec. Francisco Duque III ang confidentiality ng pasyenteng magpapakonsulta sa telemedicine hotlines.

Partikular na tinukoy ni Duque ang Data Privacy Act na gumagarantiya sa confidentiality rights ng isang pasyente.

Kinumpirma naman ni Duque na ang COVID-19 na nakapasok sa bansa ay dala ng mga pasaherong sakay ng flights na dumagsa sa Pilipinas.


Ayon pa kay Duque, pinakamaraming kaso ng virus ay mula sa Luzon at sa katunayan ay 80% ng kaso nito ay mula sa Metro Manila.

Sa kabila nito, nanindigan si Duque na patuloy na pinatataas ng DOH ang testing capacity nito kada araw.

Kabilang din, aniya, sa bibigyan ng prayoridad sa mass testing ang mga nagkaroon ng close contacts sa nagpositibo sa virus o mga taong may exposure sa kaso.

Idinagdag pa ni Duque na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa Local Government Units (LGUs) para sa pagtatayo ng mga quarantine facilities sa kani-kanilang nasasakupan.

Ayon pa sa kalihim, pinag-aaralan na rin nila at ng dumating na Chinese medical experts ang posibleng paggamit ng traditional Chinese medicine laban sa COVID-19.

Facebook Comments