Confidentiality ng mga COVID-19 patients, tiniyak ng DOH

Tiniyak ang Department of Health (DOH) na mananatili ang confidentiality ng mga impormasyon hinggil sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Matatandaang isang senior official ng kagawaran ang nagpositibo sa nasabing sakit.

Sa statement, iginiit ng DOH na bahagi ng interes ang pagtataguyod ng karapatan ng bawat pilipino, kaya hindi nila isisiwalat ang impormasyon lalo na ang pagkakakilanlan ng mga COVID-19 patients.


Nakapagsagawa na rin ng disinfection sa kanilang mga tanggapan at inabisuhan na ang close contacts na sumailalim sa home quarantine.

Paglilinaw din ng ahensya, hindi maituturing na close contact ang isang indibidwal kapag mayroon itong dalawang metrong layo mula sa pasyente.

Pero maituturing na close contact ang isang tao kapag nagkaroon ng interaction sa infected patient, at magkakasama sa iisang bahay, opisina, kwarto o unit.

Sa huling datos ng DOH, nasa 202 na ang nasawi, 17 ang namatay habang pito na ang gumaling.

Facebook Comments