Confirmation messages ng mga transaction sa GCash, ililipat na sa kanilang in-app inbox

Ililipat na ng mobile wallet app na GCash ang mga natatanggap na confirmation messages ng inyong transaction mula sa text messaging papunta sa in-application inbox.

Ayon sa pamunuan ng GCash, ito ay upang mapagbuti ang seguridad ng user at pagbigay ng mas madailing access sa transaction history ng customer.

Ito ang anunsyo ng mobile wallet app kasunod ng paglipana ng mga scam text message kung saan kasama na ang pangalan ng tumatanggap nito.


Sisimulan ng naturang app ang pagpapatupad nito para sa pay bills services nila sa September 13 habang sa September 28 naman ipatutupad sa kanilang send money at buy load services.

Para makita ito ay puntahan lamang ang activity button ng app upang makita ang iyong transaction history.

Facebook Comments