Confirmatory text sa pagbakuna para sa A4, inilabas ng lungsod ng San Juan

675

Inilabas na Pamahalaang lungsod ng San Juan ang confirmatory text na matatanggap ng magpapabakuna na kabilang sa A4 o economic frontliners.

Ayon kay San Juan City Mayor Francisco “Francis” Zamora, layunin nito na maiwasan ang pagkalat ng mga pekeng confirmatory text o magsasamantala sa pagbabakuna ng mga A4 ng lungsod.


Lalong lalo na aniya na kahit hindi residente ng San Juan basta nagtatrabaho sa lungsod ay maaaring magpareshistro sa A4 category sa COVID-19 vaccination program nito.

Payo naman ng sa mga mababakuna na magdala ng valid government ID, certificate of employment at company ID mula sa business establishment na nakasaad na kayo ay nagtatrabaho sa San Juan.

Kasabay nito, hinikayat ni Zamora ang mga manggagawang non-resident at resident ng lungsod na magparehistro sa kanilang COVID-19 vaccination program dahil ngayong linggo maaaring simulan na ng lungsod ang pagbakuna sa mga A4 category.

Facebook Comments