Confirmed COVID-19 cases sa Bureau of Corrections, 194 na

28

Umabot na sa 194 ang kaso ng COVID-19 sa Bureau of Corrections (BuCor).

Pinakamalaking bilang nito ay Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prisons (NBP).


161 ang kabuuang inmates na positibo sa COVID-19 sa BuCor habang 82 ring tauhan nito ang na-infect ng virus.

Anim naman ang binawian ng buhay habang 11 ang gumaling sa sakit.

Kinumpirma naman ng Department of Justice (DOJ) na walang naitalang kaso ng COVID-19 sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.

Facebook Comments