CONFIRMED! | Ellen Adarna, kumpirmadong nanganak na

Manila, Philippines – Kinumpirma ng abugado ni Ellen Adarna na nanganak na nga ito sa first baby nila ng aktor at rumored boyfriend nyang Si John Lloyd Cruz.

Ito ang inanunsyo ni Attorney Rebo Saguisag, abogado ni Adarna sa gitna ng mga delays sa proceedings kaugnay sa child abuse at cybercrime complaints na inihain laban sa kanyang kliyente sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Ayon sa kay Saguisag, nanganak si Adarna noong June 27 kaya hindi ito nakakadalo sa mga pagdinig.


Mahihirapan kasi si Ellen na makabyahe dahil sa kaniyang kondisyon.

Una nang itinakda noong June 4 ang preliminary investigation sa kaso pero ipagpaliban ng June 11 ngunit hindi dumalo ang aktres bagaman at present ang boyfriend dahilan para maurong na naman ito sa June 25.

Facebook Comments