CONFLICT OF INTEREST? | Cynthia Villar, itinanggi na pinoproteksyunan niya ang kanilang negosyo sa Boracay

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Environment Committee Chairperson Senator Cynthia Villar na may conflict of interest sa kanyang pangunguna sa imbestigasyon sa Boracay.

Pinapatakbo ng kumpanyang pag-aari ng pamilya Villar ang Boracay Sands habang may share din ito sa Costa Dela Vista na aniya’y parehong sumusunod sa environmental compliance.

Pero pagbibigay diin ni Senator Villar, hindi niya pinoproteksyunan ang nabanggit na mga negosyo.


Magugunitang sinabi ng senadora na sa halip isara ang Boracay habang isinasailalim ito sa rehabilitasyon ay makabubuting ang ipasara na lang ay ang mga estbalisyemento na hindi sumusunod sa patakaran ng pagbigigay proteksyon sa kalikasan.

Paglilinaw ni Senator Villar, okay lang na maapektuhan ng pagpapasara sa Boracay ang kanilang negosyo dahil may investment naman ang kaniyang pamilya sa 139 lugar sa Pilipinas.

Facebook Comments