Conflict sa schedule sa arraignment sa QC RTC at Pasig RTC, naresolba na ng PNP

Naayos na ng Philippine National Police (PNP) at ng Department of Justice (DOJ) ang conflict of schedule sa arraignment nina Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Apollo Quiboloy at 4 na kapwa akusado nito.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) Chief PCol Jean Fajardo, sa umaga ay pisikal na dadalo sa arraignment sina Quiboloy sa Pasig Regional Trial Court (RTC) 159 para sa qualified human trafficking.

Habang ang video conference naman ang kanilang dadaluhan sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) 106 sa hapon para sa kasong child at sexual abuse.


Kaugnay nito, sinabi ni Fajardo inaayos na nila ang latag ng seguridad para sa pagbiyahe nina Quiboloy.

Samantala, nakaantabay naman ang PNP sa magiging desisyon ng Pasig Court kung mananatili sa PNP custodial center si Quiboloy at mga co-accused nito.

Facebook Comments