Cong. Andaya, nagbantang kakasuhan si Sec. Diokno

Manila, Philippines – Nagbantang kakasuhan ni House Majority Leader Rolando Andaya si Budget Secretary Benjamin Diokno.

Ito ay kapag hindi nito ipinatupad ang umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno sa January 15, 2019 bunga ng pagkakaantala sa pagpasa ng 2019 National budget.

Ayon kay Andaya – hindi dapat ginagawang dahilan ni Diokno ang pagkaantala ng pagpasa ng 2019 budget para hindi maibigay ang salary increase ng mga kawani ng gobyerno.


Aniya, magsasampa siya ng kaso sa Korte Suprema laban kay Diokno kapag hindi niya ito ipinatupad.

Noong 2018 nang ipatupad ang unang bahagi ng salary increase sa mga unipormadong tauhan ng gobyerno, walang partikular na pondo na nakalaan para rito at hindi kasama sa 2018 budget.

Facebook Comments