Cong. Andaya, pumalag sa alegasyon ng Senado na minamanipula ng Kamara ang 2019 budget

Manila, Philippines – Muling binigyang diin ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya, na walang iligal at hindi unconstitutional ang ginawang mga adjustments ng Kamara sa 2019 budget.

Ito ay kasunod na rin ng pahayag ng Senado na kasalanan at minamanipula ng Kamara ang 2019 budget kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin napipirmahan ang pambansang pondo.

Paliwanag ni Andaya, anumang mga huling adjustments na ginawa ng mababang kapulungan sa 2019 budget ay alinsunod sa nakapaloob na framework ng niratipikahang Bicameral conference committee report.


Ang mga amyendang ginawa ay para i-itemize lamang ang mga lump sum funds na inaprubahan ng Kamara at Senado.

Ang reconciled version ng budget ay inaasahang maisusumite sa Malacañang sa Marso 10 para malagdaan na ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments