Sinampahan sa Department of Justice (DOJ) ng reklamong multiple murder si Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr., at limang iba pa kaugnay ng pagpatay kay ex-Negros Oriental Board Member Miguel Dungog noong March 2019.
Ayon kay Atty. Levito Baligod, ang tumatayong abogado ng mga complainant, bukod sa pamilya ng biktima at tumatayo rin ditong complainant ang PNP-CIDG.
Kinumpirma rin ni Baligod na kabilang sa tumatayong mga testigo sa kaso ang ilang kasapi ng “assassination team” kung saan nagbigay ang mga ito ng kanilang affidavit.
Sinabi ni Baligod na posibleng may iba pang mga kaso ang maihain sa mga susunod na araw dahil may 12 pang insidente ng pagpatay ang nangyari sa pagitan ng taong 2018 at 2019.
Facebook Comments