Saturday, February 21, 2026

Cong.Benny Abante, kumpiyansa  na may sapat na boto sa kamara para umusad ang pang apat na impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte

Tiwala si Manila 6th district Congressman Benny Abante na magkakaroon pa rin ng sapat na boto sa kamara para umusad ang pang apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. 

Sa  Saturday news forum sa Quezon City, sinabi ni Abante na kahit  maagang nag anunsyo si Duterte ng kahanadaang  tumakbo sa pagkapangulo sa 2028, hindi  matatakot ang mga kongresista dahil ang pinag-uusapan sa impeachment complaint ay hindi taong 2028 kundi 2026.

Nanawagan ang kongresista kay Duterte na maging transparent, accountable at ipaliwanag sa taumbayan kung totoong hindi siya sangkot sa kurapsyon para mahimok na rin ang publiko na suportahan siya sa pagkapangulo sa 2028.

Ikinumpara din ni Abante si VP Duterte kay dating VP at ngayo’y Naga Mayor Leni Robredo.

Aniya, bagamat may pagkakapareho ang dalawa dahil parehong naging alkalde at naging bise presidente, dapat pa ring tingnan dito ng  taumbayan ang usapin ng track record.

Facebook Comments