Cong. Duterte, hindi miyembro ng PDP-Laban – Sen. Pimentel

Manila, Philippines – Hinikayat ni PDP-Laban President, Senator Koko Pimentel III ang mga miyembro ng partido na suportahan ang kanilang kapartidong tumatakbo bilang house speaker.

Kahapon, inihayag ni Davao Representative Paolo Duterte na ikinukunsidera niyang tumakbong house speaker para magkaroon ng unity sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay Pimentel, si ‘Pulong’ ay hindi miyembro ng PDP-Laban.


Dagdag pa ni Pimentel – nararapat lamang na suportahan ng PDP-Laban members ang kanilang partymate na nagnanais maging speaker ng Kamara.

Matatandaang pinili ng PDP-laban si Marinduque Representative Lord Alan Velasco bilang pambato nila sa house speakership.

Facebook Comments