
Itinuro ni Batangas Cong. Leandro Leviste si CWS Party-list Rep. Edwin Gardiola bilang aniyay pinakamalaking buyer ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa kanyang pagtungo sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), sinabi ni Leviste na isa si Gardiola sa mga nag-propose ng malaking budget para sa DPWH at siya rin ang contractor sa mga proyekto.
Aniya, maging ang ICI ang nag-ulat sa kanyang mga pinakitang mga dokumento.
Ayon kay Leviste, ipinagmamalaki rin ni Gardiola na ninong niya si dating DPWH Sec. Manuel Bonoan.
Sa ngayon, humihingi siya ng permiso ngayon sa Kamara para maisiwalat niya sa Kongreso ang lahat ng kanyang mga nakalap na ebidensya hinggil sa pagkakasangkot ni Gardiola sa DPWH projects.
Una nang napaulat na nakakuha ang construction firm ng pamilya ni Gardiola ng bilyun-bilyong pisong halaga ng government projects simula nang maging mambabatas ito.









