Cong. Harry Roque, no comment sa pag-endorso at alok na maging kapalit ni Presidential Spokesperson Abella

Manila, Philippines – Ipinauubaya ni Kabayan Rep. Harry Roque sa Pangulong Duterte ang plano para sa kanya sa ilalim ng administrasyon nito.

Ito ay matapos na iendorso ng Pangulo si Roque na kanyang kandidato sa pagkasenador sa 2019 senatorial election sa ginanap na Masskara Festival sa Bacolod.

Maugong din ang balitang si Roque ang ipapalit kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella dahil hindi satisfied ang Pangulo sa performance nito.


Pero ayon kay Roque, hayaan na ang Pangulo ang magkumpirma nito.

Aniya pa, makikipag-usap pa siya sa Pangulo sa darating na Oct 27 pero walang paglilinaw kung ano ang mapaguusapan.

Hindi naman kinumpirma ni Roque na tatakbo ito sa 2019 election at kung tatanggapin nito ang pagiging Presidential Spokesperson sakaling i-alok sa kanya ng Pangulo.

Facebook Comments