Monday, January 19, 2026

Leviste at Bonoan, humarap sa pagdinig ng Senado sa Flood Control Projects habang Co at Guteza, “no show”

Muling ipinagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee (BRC) ang pagdinig sa maanomalyang flood control projects.

Dumalo sa imbestigasyon ng Blue Ribbon ang mahalagang testigo tungkol sa flood control scandal na si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na inaasahang matatanong patungkol sa kontrobersyal na “Cabral files”.

Humarap din sa pagdinig ang mga pina-subpoena na sinasabing sabit sa isyu na sina dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating DepEd Usec. Trygive Olaivar, dating Special Envoy to China Maynard Ngu, Commission on Audit Commissioner Mario Lipana, DPWH Region 4B Regional Director Engr. Gerald Pacanan at DPWH NCR Regional Director Engr. Gerard Opulencia.

Samantala, “no show” naman sa pagdinig sina dating Cong. Zaldy Co at dating Marine Technical Sergeant Orly Guteza na iisyuhan naman ng BRC ng show cause order para pagpaliwanagin kung bakit hindi sila dapat ma-cite in contempt.

Kapag hindi naman nakuntento ang Blue Ribbon Committee sa paliwanag nina Co at Guteza ay iisyuhan na ang mga ito ng warrant of arrest.

Naririto rin sa pagdinig si dating DPWH Usec. Roberto Bernardo at ang iba pang dawit sa flood control projects na nasa kustodiya ng Senado na sina dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara, dating Asst. District Engr. Brice Hernandez, dating Chief ng Construction Division Engr. Jaypee Mendoza at contractor na si Curlee Discaya.

Facebook Comments