Tuesday, January 20, 2026

Cong. Leandro leviste, inilabas sa Blue Ribbon Committee ang P720 billion ng mga allocables at mga tinawag niyang major tags sa 2025 budget

Inilabas ni Batangas First District Rep. Leandro Leviste sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang higit P720 billion na halaga ng allocables at ang tinagurian niyang major tags sa 2025 national budget.

Batay ito sa nakuha niyang Cabral files ng yumaong si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Maria Catalina Cabral.

Sinabi ni Leviste na P721.8 billion ang kabuuang halaga ng tinawag niyang major tags na parang mga codes.

Ilan sa mga codes ng mga tags ay ang sumusunod:
ALLOCABLES na P401.3 billion, BINI 10 na P6 billion, CENTI 2025 na P100 billion, F1 na P10 billion, NON ALLOCABLE na P61.5 billion, BIP ON TOP na P33.4 billion, SENATORS na P20.5 billion, SMB/OTHERS na P25.6 billion at iba pa.

Sinabi ni Leviste sa pagdinig na gusto sana niyang talakayin ang mga tags na ito para maipaliwanag ng DPWH pero walang nagusisa ukol dito.

Iginiit naman ni Leviste na hindi niya pinwersang kunin ang Cabral files at bukod sa kanya ay mayroon din nito si Senator Ping Lacson at ang isang news agency.

Facebook Comments