
Hindi pa rin maituturing na lusot si dating Speaker Cong. Martin Romualdez sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects.
Ito ay kahit hindi kasama sa mga pinakakasuhan si Romualdez mula sa lumabas na dokumento ng draft committee report ng Blue Ribbon Committee.
Paliwanag ni Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson, kumpara sa mga senador at mga kongresistang inirekomendang kasuhan, nasa ibang kategorya naman si Romualdez.
Aniya, ang mga pinakakasuhan ay may mga testigong nagsalita laban sa kanila at may corroborative evidence habang ang kay Romualdez ay kabilang pa lang sa mga nabanggit na pangalan sa draft report subalit wala pang validation dito.
Kaya naman isa sa mga rekomendasyon ng Blue Ribbon Committee ay itulak pa ang mas malalim na imbestigasyon sa pagkakasangkot ni Romualdez sa ghost flood control projects.










