
Wala pang pahiwatig si dating Speaker Martin Romualdez kung kailan siya muling makakaharap sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, wala pang abiso sa Komisyon si Romualdez matapos itong humingi ng reset para sa kanyang pagsasailalim sa medical procedure.
Sinabi ni Hosaka na maging si dating Public Works Sec. Roberto Bernardo ay wala pa ring linaw kung kailan din muling dadalo sa pagdinig ng ICI.
Iginiit ni Hosaka sa ngayon ay inuuna muna nila ang pagbuo ng mga panuntunan sa gagawing live streaming ng hearing.
Facebook Comments









