Cong. Omar Duterte, nanindigang walang ghost projects sa Davao City

Mariing nilinaw ngayon ni Davao City 2nd District Representative Omar Duterte na hindi uso ang mga multo o ghost project sa naturang lungsod.

Ito’y matapos makuwestiyon ang ama na si Congressman Paolo “Pulong” Duterte kung saan napunta ang bilyones na pondong inilaan sa Davao City.

Sa isang panayam, binigyang-diin ng congressman na wala silang ikinakahiya dahil lahat ng ito’y makikita lalo na kapag pormal na bibisitahin ang lungsod ng Davao.

Dagdag pa niya, ito ang legasiya umano ng kanilang pamilya simula pa noong administrasyon ni Former President Rodrigo Roa Duterte na kasalukuyan ding naka-detain sa International Criminal Court.

Facebook Comments