Cong. Panganiban, Kinondena ang Pagpaslang sa Dating Hepe sa kanyang bayan!

529

Angadanan, Isabela – Kinondena ni ANAC – IP Partylist Congressman Jose “Bentot” Panganiban Jr. ang nangyaring pamamaslang sa kanyang kabarangay at dating hepe ng PNP Angadanan na si Retired Police Lt. Col. Danny Alingog.


Ayon sa kanya, siya’y nabigla at hindi lubos maisip na mangyayari ito sa itinuturing nitong kaibigan.

Hindi rin nito alam kung ano ang motibo ng pamamaril dahil isang mabait at mapagmahal na kaibigan di umano ang biktima.
Ayon pa sa Congressman, kanyang tututukan ang gagawing imbestigasyon ng PNP Echague kaugnay sa naturang insidente.

Ikinokonsidera rin niya na magbigay ng pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa pamamaril sa kanyang kaibigan upang agad na malutas ang kaso.

Magugunita na pasado alas kwatro kahapon nang papalabas si Retired Police Lt. Col. Danny Alingog sa isang sabungan sa Echague, Isabela nang pagbabarilin ng apat na mga katao na sakay ng dalawang motorsiklo na agad rin na tumakas ang mga ito matapos mapaslang ang biktima.

Dagdag pa ng nasabing kongresista na sa mga susunod na araw ay makikipag-ugnayan siya sa PNP Echague upang malaman ng personal ang motibo ng pamamaslang.

Facebook Comments