Cong. Paolo Duterte, tinanggap na ang posisyon bilang deputy speaker

143

Tinanggap na ni Davao City Representative Paolo ‘Pulong’ Duterte ang posisyon bilang Deputy Speaker for Public Affairs sa 18th Congress.

Kinumpirma ito ni Taguig City Representative Alan Peter Cayetano sa kanyang Facebook post.


Matatandaang nagpulong ang dalawa sa Bonicafio Global City kahapon kung saan umano tinalakay kung paano makakabuo ng Kongreso na ‘very responsive’.

Kumpiyansa naman si Cayetano na sa pagtutulungan ng mga kongresista ngayong 18th Congress ay matagumpay na maihahatid ang mga agenda ng Pangulo.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na kapag nahalal siyang house speaker ay dadagdagan niya ang bilang ng mga deputy speakers para makatulong sa pagsusulong ng legislative agenda ng kapulungan.

Facebook Comments

From Advertisers