Cong. Romualdo grandstand sa Mambajao, Camiguin, all systems go na para sa idaraos na 4th quarter nationwide simultaneous earthquake drill

Handang-handa na ang Cong. Romualdo Grandstand sa Mambajao, Camiguin, Northern Mindanao para sa idaraos na Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, mamayang alas dos ng hapon.

Dito sesentro ng programa kung saan bukod sa nakasanayang “duck cover and hold” ay magkakaroon din ng simulation exercises sa pagtama ng tsunami at pagsabog ng bulkan.

Ayon kay Office of Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno mahalaga ang patuloy na paghahanda sa inaasahang pagtama ng “The Big One” upang maiiwasan ang pagkawala ng maraming buhay at bilang ng mga masasaktan kapag tumama ang malakas na lindol.


Base kasi sa pag-aaral, nasa 30,000 hanggang 52,000 indibidwal ang maaaring mamatay kapag tumama ang The Big One habang 162,000 naman ang maaaring malubhang masugatan.

Hindi rin imposible na magkaroon ng malalaking sunog, pagguho ng mga tulay at gusali kapag tumama ang lindol.

Kasunod nito, sinabi ni Nepomuceno na kailangan ang whole-of-society approach sa mga ganitong sakuna kung kaya’t hinihikayat nito ang publiko na makiisa sa ika apat na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, mamayang alas dos ng hapon.

Facebook Comments