
Hinimok ni Cong. Toby Tiangco si Representative Zaldy Co na bumalik na ng Pilipinas at magsalita na rin ng kaniyang nalalaman sa katiwalian sa pondo ng gobyerno.
Sinabi ni Tiangco na mahalagang ituro ni Co ang mga personalidad na sangkot sa katiwalian.
Inisa-isa naman ni Tiangco ang kaniyang ginamit na grounds sa paghahain ng ethics complaint laban kay Rep. Co.
Si Tiangco ay humarap kanina sa hearing ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig City kung saan nagsumite ito ng mga ebidensya at sinagot niya rin aniya ang mga katanungan ng komisyon kaugnay ng kaniyang mga nalalaman sa mga katiwalian sa government projects.
Facebook Comments









