CONG. TONYPET ALBANO, TOP 2 SA TOP PERFORMING REPRESENTATIVE – CAGAYAN VALLEY

CAUAYAN CITY – Kinilala bilang isa sa mga natatanging lider sa Lambak ng Cagayan si Deputy Speaker Antonio Albano.

Sa isinagawang survey ng RMPD para sa ‘Boses ng Bayan’ lumabas na pangalawa si Cong. Albano sa may pinakamataas na satisfactory rating na 89.7%.

Nanguna naman sa listahan si Congresswoman Midy Cua mula sa Quirino na nakakuha ng 91.3% rating.


Pasok din sa listahan ang ilang congressman mula sa Isabela na kinabibilangan Nina Congressman Ed Christopher Go, Congressman Ian Paul Dy, Congressman Inno Dy, at Congressman Joseph Tan.

Ang nasabing survey ay isinagawa noong July 1 – 10, 2024 kung saan lumahok dito ang nasa 10,000 respondents.

Facebook Comments