Congestion rate sa Bilibid, bumaba ng 150%

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na nabawasan na ang pagsisiksikan ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., mula sa 300% na congestion rate sa mga nakaraan ay bumaba na ito sa 150%.

Bukod sa paglipat ng Bilibid inmates sa regional prisons ng BuCor, nakatulong din aniya ang mas mabilis na pagpapalaya sa persons deprived of liberty (PDLs) na tapos na ang sentensiya.


Nitong Biyernes, kabuuang 81 PDLs ang lumaya mula sa Bilibid at iba pang penal colonies ng BuCor.

Facebook Comments