Congestion rate sa mga jail facility sa bansa, bahagyang nabawasan ayon sa BJMP

Iniulat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na bumaba sa 351 percent ang congestion rate ng mga piitan sa bansa ngayong taon.

Ayon kay BJMP Director Ruel Rivera, noong 2018, umabot sa nakakabahalang 600% congestion rate ang mga pasilidad ng BJMP na nagdulot ng matinding hamon sa kagalingan at repormasyon ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Pinahusay pa ng BJMP ang PDL Welfare and Development Program at Jail Paralegal Programs na tumutulong sa mga bilanggo para sa mabilis na disposition ng kanilang kaso.


Facebook Comments