CONGRATSI1st Kudaraten Festival nagtapos na, mga achievements ng SK kinilala

Naging pangunahing bisita sa culmination ng 1st Kudaraten Festival sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindano si 6th ID Commanding General Major General Arnel Dela Vega.
Sa kanyang mensahe, ipinagmalaki ni MGen Dela Vega ang mga inisyatiba ng LGU Sultan Kudarat sa pangunguna ni Mayor Datu Shameem Mastura.Kabilang na rito ang pagsuporta sa peace and order at pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Pinuri rin ni MGen Dela Vega ang mga achievements ng LGU Sultan Kudarat kabilang na ang Seal of Good Local Governance, Child Fiendly Municipality at awardee rin ng Good Financial HouseKeeping.
Lubos namang nagpasalamat ang alkalde sa lahat ng mga nakiisa sa kanilang week long celebration. Bukod sa mga ipinagmamalaking kulturat tradisyon ng bayan, pinasaya rin ang okasyon ng mga celebrities mula Manila na nagpapatunay lamang aniya na mapayapa at masaya sa Sultan Kudarat dagdag ng alklade.

Bukod kay MGen Dela Vega, bisita rin sa okasyon sina Atty. Ranibai Dilanggalen, USEC ng DA, Mayor Rauf Mastura ng Sultan Mastura at Nathaniel Midtimbang ng Datu Anggal Midtimbang.


Facebook Comments