CONGRATULATIONS! | 2 silver medal – naibulsa ng Pilipinas sa 18th world pencak silat championship sa Singapore

Singapore – Dalawang silver medal ang naibulsa ng Philippine Pencak Silat Team mula sa katatapos lang na 18th World Pencak Silat Championship na ginanap sa Singapore.

Nasungkit ni Cherry May Regalado ang kanyang silver medal sa tunggal puri event.

Habang ang isa pang silver medal ay nakuha nina Roch Rod Ortega, James el Mayagma at Jefferson Rhey Loob mula naman sa Regu Putra team event.


Nagpaabot naman ng pagbati ang Philippine Sports Commission sa tagumpay ng Philippine Team sa nasabing tournament na nilahukan ng mahigit 300 atleta mula sa 40 bansa.

Ang Pencak Silat ay isang uri ng martial arts na kasama sa mga sport sa Southeast Asian Games at Asian Games.

Facebook Comments