CONGRATULATIONS | Limgas na Pangasinan 2018 Naging Matagumpay!

Dinagsa ng mga Pangasinense ang Pageant Night ng Limgas na Pangasinan 2018 na ginanap noong Abril 30, 2018 upang suportahan ang kani kanilang pambato, sa Capitol Plaza, Lingayen, Pangasinan. Lumahok ang 23 na kandidato na kung saan nagpakita ng kani kanilang adbokasiya patungkol sa kalikasan at nagpa malas ng ibat-ibang talento.

Itinanghal na Limgas na Pangasinan 2018 ang isang licenced fisheries technologist na si Jemimah Ann Tungbaban Torrado, 21 year-old, na tubong Cabaloan, Urdaneta City na nagpamalas ng kahusayan sa pagsagot sa question and answer portion. Kabilang din sa mga nanalo ang 18 year-old na si Samantha Mae Fernandez ng Bugallon, Pangasinan bilang Limgas na Turismo 2018 at 19 year-old na si Joy May Anne Barcoma na tubong Villasis, Pangasinan bilang Limgas na Kalikasan.

Tatanggap ng Php 150,000 at Php 10,000 montly cash allowance ang itinanghal na Limgas na Pangasinan 2018. Samantala, habang nagaganap ang pageant night hindi inasahang umulan ng malakas at, naantala ang palabas. Gayunpaman, nagpatuloy ito sa Sison Auditorium.


Limgas na Pangasinan ay naglalayon upang maipakita sa ibang karatig lugar na hindi lang sa panlabas na anyo makikita ang kagandahan ng isang tao kundi ang hangarin mong makatulong sa kalikasan at turismo ng lalawigan.

Ulat ni Mary Denise Paderon

Facebook Comments