CONGRATULATIONS | Lungsod ng Dagupan National Finalist sa PACFMC

Pinarangalan ang lungsod ng Dagupan City bilang National finalist ng Presidential Award For Child- Friendly Municipalities and Cities ng Council for the Welfare of Children o CWC kahapon ika-12 ng Disyembre 2017 sa Rizal Hall ng palasyo ng Malacanang.

Ayon kay CWC Executive Director Mary Mitzi Cajayon-Uy na sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga ideya at mga ginagawa ng mga naparangalan ay makakamit ang inaasam na pangarap bilang isang Child-Friendly na bansa. Dagdag pa nito “I challenge all of you especially the national awardees to document and share your best practices to other local government unit’s o LGUs.”

Labing walong munisipyo at siyudad ang kasama sa PACFMC at mapalad ang siyudad ng Dagupan na isa ito sa mga nasa listahan. Ito na ang pangatlong beses na naging finalist ang siyudad ng Dagupan sa PACFMCnat nagsimula ito taong 2014. Nakatanggap ng 50,000 ang siyudad galing sa CWC.


Ang PACFMC ay alinsunod sa Executive Order No. 184 na pinirmahan ng dating Pangulong Joseph Estrada noong ika – 13 ng Disyembre 1999.

Photo credited to Mayor Belen Fernandez Facebook

Facebook Comments