CONGRATULATIONS | Mga Bayani sa Nutrisyon Pinarangalan!

Pinangunahan ng National Nutrition Council Region 1 (NNC RO1) ang pagkilala sa mga natatanging indibidwal, probinsya, bayan, at siyudad na itinuturing na mga kampeyon ng nutrition sa rehiyon uno sa ginanap na Regional Nutrition Awarding Ceremony noong nakaraang December 5, 2017 sa Bangko Sentral ng Pilipinas, San Fernando City, La Union.

Ang RNAC ay taunang aktibidad ng NNC-1 katuwang ang mga miyembro ng Regional Nutrition Committee upang kilalanin ang mga local partners at indibidwal na nangunguna sa pagtulong na maisulong ang mga kampanya ng ahensya sa pagsugpo ng kagutuman at malnutrisyon sa kanikanilang lugar noong 2016.

Ang mga sumusunod na lugar ang mga naging finalist base narin sa Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI) Province, Municipal, and City Category respectively:


  1. Province of Ilocos Norte including Municipalities of Sarrat, Marcos, Bangui, Burgos, and Cities of Laoag & Batac.
  2. Province of Ilocos Sur including Municipalities of Santa, Sinait, San Ildefonso, San Emilio, Cabugao, and Cities of Vigan & Candon.
  3. Province of La Union including Municipalities of Luna, Bacnotan, San Gabriel, Santol, and City of San Fernando.
  4. Province of Pangasinan including Municipalities of Umingan, Bayambang, Basista, Mapandan, Mangatarem, and Cities of Alaminos & Urdaneta.

Narito ang mga listahan ng nabigyang parangal:

REGIONAL OUTSTANDING BARANGAY NUTRITION SCHOLAR

  1. Ms. Irene T. Casino of Brgy. Palacapac, Candon City – Champion 2016 ROBNS
  2. Ms. Estelina P. Bernardo of Brgy. San Manuel, Sarrat, Ilocos Norte – 1st Runner-up 2016 ROBNS
  3. Ms. Jelyn Sampaga of Brgy. Mamay, Luna, La Union – 2nd Runner-up 2016 ROBNS
  4. Ms. Julie Ann P. Soriano of Brgy. Napanaoan, Santa, Ilocos Sur – Finalist
  5. Ms. Anaryll Adriatico of Brgy. Ayusan Norte, Vigan City – Finalist
  6. Ms. Riza Gandia of Brgy. Tulong, Urdaneta City – Finalist
  7. Ms. Karen Diaz of Brgy. Bacsil North 56-A, Laoag City – Finalist
  8. Ms. Rovamir Brioso of Brgy. San Vicente, San Fernando City – Finalist
  9. Ms. Janette Caranto of Brgy. Dumpay, Basista, Pangasinan – Finalist
  10. Ms. Linda Dizon of Brgy. San Roque, Alaminos City – Finalist

Municipal Category – Regional Green Banner Awardee (Ilocos Norte): Municipality of Sarrat

Municipal Category – Regional Green Banner Awardee (Ilocos Sur): Municipality of Santa

Municipal Category – Regional Green Banner Awardee (La Union): Municipality of Luna

City Category – Regional Green Banner Awardee: Vigan City

Lahat ng mga pinarangalan ay tumanggap ng presteryosong green banner para sa mga towns at city, plaque, at cash prizes. Hinikayat ni Dr. Jimuel Cardenas ang kinatawan ni RNC Chairperson Dir. Myrna Cabotaje ng DOH-RO1 ang lahat na patuloy na isulong ang nasimulang kampanya para sa malusog na pamayanan.

Binigyang diin naman ni DILG CESO IV Dir. James F. Fadrilan bilang panauhing pandangal sa nasabing okasyon na maging tapat at may integridad na gampanan ng bawat isa ang kanilang tungkulin sa mga mamayan lalong lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa kalusugan.

Nagtapos ang RNAC na puno ng pasasalamat mula kay NPC Ma. Eileen Blanco ng NNC-1 at hamon na sa susunod na taon ay mas marami sanang lugar sa rehiyon uno ang sumuporta at lumahok sa adbokasiyang pang-nutrisyon.


Facebook Comments