CONGRATULATIONS! | Mga pagbati, bumuhos sa pagkapanalo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

Matapos na maiuwi muli ang Korona, bumuhos ngayon ang pagbati kay miss universe 2018 Catriona Gray.

Kabilang sa mga bumati kay Catriona si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Say ni Pia, proud na proud siya kay Catriona lalo pa at nanood ito ng coronation night sa Bangkok, Thailand.


Sa kaniyang post sa Instagram, sinabi ni Pia na proud ang buong Pilipinas para kay Catriona.

Maging ang malakanyang ay nagpaabot din ng pagbati kay Catriona.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naipagmalaki ni gray ang buong Pilipinas nang ipakita nito ang totoong kalidad ng Filipina beauty – ang confidence, grace, intelligence at katapangan na harapin ang anumang uri ng pagsubok sa buhay.

Sa ngayon ay excited na raw na umuwi ng Pilipinas sa Catriona kung saan isa raw karangalan at maagang christmas gift ang naibigay niya sa bansa.

Sa ngayon ay trending na ang “lava walk” ni Catriona na ayon sa kanyang mentor na si Carlos Buendia Jr., ay may strategy na “glide, sway, turn slowly o ang slow-mo twirl then boom” o ang pagsabog ng daragang mayon.

Facebook Comments