CONGRATULATIONS | Mga Pangasinense na Topnotch sa Board Exam kinilala!

Mula sa Lalawigan ng Pangasinan ang ilan sa mga naging topnotcher sa 2017 Nurse Licensure Examination at Agriculturist Licensure Examination. Ito ay sina Dhonna Faye Domantay Arcelona, Karren Keisha Garcia Bulatao, Ariane Shane Erfe Valdez and Ardel Lopez Dela Pena.

Ang mga bagong nurses na sina Domantay na tubong Lingayen at Bulatao na tubong Calasiao Pangasinan ay ang mga naging top 9 sa katatapos na 2017 Nurse Licensure Examination.

Samantalang si Valdez na tubong San Fabian at Dela Peña na mula San Jacinto ang naging top 7 at top 10 sa naganap na Agriculturist Board Examination.


Kinilala ng Sangguniang Panlalawigan ang apat na young professionals dahil sa kanilang pinamalas na galing at bilang mga nagsisilbing inspirasyon sa mga pangasinenseng kabataan sa pamamagitan ng Provincial Resolutions 1358-2018 and 1359-2018 sa regular session nila noong lunes.

Bukod dito ang provincial government sa pangunguna ng gobernador ay magbibigay ng monetary incentives, plaque of recognition na igagawad sa susunod na linggo.
Congratulations mga kabaleyan!

Photo-credited to Wikipedia

Facebook Comments