Iniharap na kahapon ika – 2 ng Abril 2018 sa media ang 23 kandidata para sa Limgas na Pangasinan 2018 sa Pangasinan Training and Development Center Lingayen Pangasinan at nasungkit ng bayan ng Villasis ang Darling of the Press.
Nasungkit ng isang 19 year old na si Joy May Anne F. Barcoma ng bayan ng Villasis ang parangal kahapon na kung saan napahanga niya ang mga media sa pagsagot sa mga tanong ng mga ito na may kinalaman sa mga isyu ng bayan.
Si Barcoma ay isang estudyante ng Bachelor of Arts in Broadcast Communication sa Polytechnic University of the Philippines at minsan ng naging representative ng National Capital Region sa MISS PASUC o Philippine Association of State Universities and Colleges at nasungkit ang titulo.
Magagana ang pre-pageant sa ika 24 ng Abril at Ang prestiyosong pageant ay magaganap sa darating na ika-30 ng Abril sa Capitol Plaza sa Lingayen.
Photo-credited to PIO