Congratulatory call ng PBBM kay U.S. President-Elect Trump, lalong magpapatibay sa alyansa ng Pilipinas at Amerika

Kumpiyansa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na lalo pang tatatag ang alyansa ng Pilipinas at ng Amerika.

Ayon sa DFA, partikular na inaabangan nila ang magiging ugnayan ng Pilipinas at US sa larangan ng security and defense cooperation, economic partnership, gayundin ang mas malalim na mutual interest sa maraming aspeto.

Una nang ikinalugod ng DFA ang pagtawag ni Pangulong Bongbong Marcos kay U.S. President-elect Donald Trump para batiin ito sa kanyang pagkapanalo.


Ang naturang congratulatory call ay itinuturing ng DFA na produktibo para sa bilateral relations relations ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Ito ay lalo na’t may malaking papel na ginampanan ang Filipino Americans sa komunidad ng Amerika kabilang na ang katatapos lamang na halalan doon.

Facebook Comments