Congressional probe hinggil sa overprized fertilizer, welcome sa DA

Bukas ang Department of Agriculture (DA) sa anumang congressional investigation kaugnay sa umano’y overpriced fertilizers na binili ng ahensya bilang bahagi ng ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ito ang anunsyo ng kagawaran matapos silang hamunin ng national alliance of rural-based organizations na ipakita kung saan makakabili ng isang bag ng urea fertilizer na nagkakahalaga ng halos ₱1,000 lalo na at ang presyo nito ay mababa pa sa ₱850.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, handa nilang sagutin ang mga isyu hinggil dito.


Aniya, makakatulong din ang mga pagdinig para maitaas ang kredibilidad at integridad ng ahensya.

Nabatid na plano ng Senado na imbestigahan ang ₱1.8 billion fertilizer na binili ng ahensya, habang ang Makabayan Bloc sa Kamara ay plano ring magkasa ng imbestigasyon.

Facebook Comments