Congressional staff na nanutok ng baril at nagbanta sa pulis, hindi palalagpasin ng Kamara

Manila, Philippines – Tiniyak nila House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Fariñas na aaksyunan ang reklamo tungkol sa sa isang staff ng Kamara na nanutok ng baril sa isang pulis sa gitna ng traffic sa Quezon City.

Si Legislative Assistant II Bobby Villanueva ay inaresto ng mga pulis matapos alertuhin ng opisyal na tinutukan nito ng baril na si Senior Inspector Rodolfo Madriaga at agad na dinala sa Batasan station police.

Napag-alaman pa na wala ding dalang lisensya ng baril si Villanueva.


Bukod dito, ang mga kasamahan sa pamamahayag ay hindi rin nakaligtas sa panghaharass ng congressional staff.

Ayon kina Alvarez at Fariñas, bibigyan ng karampatang aksyon ang ginawa ni Villanueva at tiniyak na dadaan ito sa due process.

Sinabi naman ni House Sgt. at Arms Roland Detabali na ang mga empleyado na pinapayagang magdala ng baril sa Batasan Complex ay iyong mga naka-assign sa security ng Kamara at mga nakaduty na security ni Speaker Alvarez gayundin kung may permit to carry outside the residence tulad ng mga security ng mga kongresista.

Sakaling mapatunayan ng Mababang Kapulungan na may ginawang paglabag si Villanueva ay tiyak na mahaharap ito sa parusa tulad ng pagkakasibak sa pwesto o kaya ay suspensyon.

Facebook Comments