Congressman Arnie Teves, muling sinuspinde ng Kamara at pinatalsik din sa mga komite

Muling sinuspinde ng 60-araw ng Mababang Kapulungan si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., at tinanggal din siya bilang miyembro ng mga komite sa Kamara.

285 mga kongresista ang bomoto pabor sa nabanggit na disciplinary action laban kay Teves na inirekomenda ng House Committee on Ethics and Privileges na pinamumunuan ni COOP NATCO Party-list Representative Felimon Espares.

Bunsod nito ay tanggal na si Teves bilang miyembro ng Committee on Legislative Franchises at Committee on Nuclear Energy at bilang vice chairman naman sa Committee on Games and Amusement.


Base sa committee report 660 na ipinrisinta ni Espares sa plenaryo ng Kamara, ang patuloy na hindi otorisadong pagliban ni Teves ay pinatindi ng kanyang paghingi ng asylum sa Timor, Leste na nagresulta sa kabiguan nyang magampanan ang trabaho bilang mambabatas.

Si Teves ay isinasangkot sa kaso ng pagpatay sa ilang katao kabilang si Negros Oriental Roel Degamo.

Facebook Comments