Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na nais palawigin ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves ang kaniyang pamamalagi sa ibang bansa.
Pero ayon kay Velasco, sinabi niya sa tauhan ng kongresista na sa ilalim ng panuntunan ng kamara ay dapat naka-detalye kung saang bansa o mga bansa ito mamamalagi at kung kailan ito mananatili sa mga nasabing lugar.
Sa ngayon, wala pang natatanggap na pormal na extension request ang opisyal.
Batay sa travel clearance ni Teves, maaari lamang siyang manatili sa Amerika mula Pebrero 28 hanggang Marso 9.
Facebook Comments