Congressman Marcos, nagbabala sa publiko kaugnay sa mga social media accounts na gumagamit sa pangalan niya sa pagkolekta ng pera

Nagbigay ng babala sa publiko si Presidential Son at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos kaugnay sa unofficial social media account na gumagamit sa kaniyang pangalan para makakolekta ng pera.

Sa kanyang online statement ay inihayag ni Marcos na nitong Marso ng kasalukuyang taon ay natukoy nila ang “Sandro Marcos Unofficial Facebook page” na nagpo-post ng isang meet and greet sa kanya at naniningil ng ₱4,500 kada tao para sa transportasyon, hotel, ID at t-shirt.

Sabi ni Marcos, kamakailan ay nabatid ng kanyang tanggapan ang isa na namang fund raising activity na ikinakasa gamit muli ang kanyang pangalan.


Diin ni Marcos, walang kaugnayan sa kanya ang naturang Facebook page at kailanman ay wala siyang pinahintulutan na maningil ng napakalaking halaga para sa isang meet and greet.

Bunsod nito, ay pinayuhan ni Congressman Sandro ang kanyang mga taga-suporta na maging maingat at mapanuri sa mga solicitations na natatanggap.

Ayon kay Marcos, iisa lang ang kanyang account sa Facebook, Instagram, Twitter, Tiktok at Youtube at iisa lang din ang kanyang official website.

Facebook Comments