Congressman Pantaleon Alvarez, pinagsabihan ng kapwa kongresista na magbigay ng solusyon sa halip na ipanawagan ang pagbibitiw ni PBBM

Hinimok ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin si dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez na magbigay ng solusyon sa halip na ipanawagan ang pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tugon ito ni Garin sa sinabi ni Alvarez na makabubuting magbitiw si PBBM para mapahupa ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Garin, matagal nang isyu ang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea na hindi lang sa pagitan ng Pilipinas at China dahil mayroong iba pang claimant countries kaya hindi ito madaliang mareresolba.


Binigyang diin pa ni Garin na hindi solusyon ang pagbibitiw ni PBBM lalo kung hindi naman matukoy kung ano ang naging pagkukulang nito.

Facebook Comments