
Iginiit ni Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte na dapat munang pumirma si Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas Torre III ng waiver para sa boxing match nito kay Mayor Baste Duterte.
Ayon kay Rep. Pulong, kailangan ang waiver at abogado para walang legal na pananagutan ang kaniyang kapatid na si Mayor Baste kung mapuruhan at mamatay si Torre sa kanilang boxing match.
Suportado rin ni Congressman Pulong ang kondisyon ni Mayor Baste na magpa-hair follicle test si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at iba pang elected officials bago siya sumabak sa boxing match kay Torre.
Katwiran ni Rep. Duterte, wala silang dapat na ikatakot sa hair follicle drug test kung malinis sila at bahagi rin ito ng pagiging mabuting halimbawa sa publiko.
Sinabihan din ni Congressman Pulong si Torre na kung gusto nito tumulong sa mga biktima ng kalamidad ay mag-donate na lang ito at huwag ng gamitin ang kanilang boxing match para makalikom ng tulong sa mga apektado ng walang patid na pag-ulan at malawakang pagbaha.









