Congressman Teves, binigyang ng 5 araw para magpaliwanag kaugnay sa kaniyang napasong travel authority

Pinagpapaliwanag ng House Committee on Ethics and Privileges sa loob ng limang araw si Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves ukol kaniyang travel authority na napaso na nitong March 9.

Ayon sa chairman ng komite na si COOP-NATCO Party-list Rep. Felimon Espares, ngayong araw o bukas nila ipapadala ang sulat kay Teves na humihingi ng paliwanag.

Si Teves ay nananatili sa labas ng bansa kahit nag-expire na ang travel authority na ibinigay ng Kamara para sa personal na biyahe niya sa Amerika mula Feb. 28 hanggang March 9 lamang.


Humingi ito ng extension ng travel authority hanggang April 9 ngunit hindi napagbigyan dahil hindi nakasaad kung nasaang bansa siya.

Binanggit ni Espares na ang susunod na hakbang ng komite ay depende sa magiging tugon ni Teves.

Facebook Comments