Ikinalugod ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ang desisyon ng Commission on Elections o COMELEC en Banc na tuluyang ibasura ang motion for reconsideration na inihain kaugnay sa kinakaharap nyang disqualification case.
Diin ni Tulfo, answered prayer ang naturang desisyon ng COMELEC para lubusan na niyang magampanan ang mandato bilang miyembro ng Kamara.
Aminado si Tulfo na marami pa syang dapat matutunan bilang mambabatas.
Binanggit ni Tulfo na puspusan ang pagbabasa niya ngayon ng libro ukol sa rules and regulations ng 18th and 19th Congress, tulad ng mga do’s and don’ts sa Congress, mga proper address and responses sa mga interpellation at marami pang iba.
Para kay Tulfo, tiyak na marami rin syang matututunan sa mga beteranong mambabatas.
Samantala, nasa 100 panukalang batas ang planong ihain ni Tulfo.