Nagpaliwanag at nagbigay ng paglilinaw si House Deputy Majority Leader Janette Garin at Iloilo 1st Representative Janette Garin ukol sa tensyon na nangyari sa deliberasyon ng plenaryo ng Kamara para sa 297.6 billion pesos na panukalang pondo ng Department of Health (DOH) sa susunod na taon.
Sa naturang tagpo ay inagaw ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang mikropono kay Northern Samar 1st Northern Samar Representative Paul Daza habang nagtaas naman ng boses si Congresswoman Garin pabor sa mosyon ni Daza na tapusin na ang debate sa budget ng DOH.
Diin ni Garin, nagkausap na sila Representative Lee at malinaw sa kanila na trababo lang ang lahat at walang personalan.
Ayon kay Garin, natural nang nangyayari na maging emosyonal ang mga mambabatas dahil sa magkakaiba nilang pananaw lalo na sa panahon ng debate para sa pambansang budget.
Giit ni Garin, yun ay hindi maituturing na pambabastos ng mga mambabatas sa isa’t isa kundi paggiit lamang ng kanilang ideya o opinyon na nataon sa huling gabi ng sesyon kung saan naghahabol na sila ng oras.
Dagdag pa ni Garin, tatlong araw na kasi noong pabalik-balik sa Kamara ang mga taga-DOH para maisaayos ang badyet para sa kanilang mga programang magbibigay ng maayos na serbisyo sa Filipino.
Sabi ni Garin, nanaig sa kaniya noon ang hangarin na huwag mabalam o masakripisyo ang DOH budget sa layuning mapabuti ang health care system ng bansa.