Congresswoman Rida Robes ,suportado ang pahayag ng Pangulong Duterte na “No vaccine, No Classes”

116

Suportado ng Kinatawan ng lone district ng San Jose Del Monte(SJDM)City sa Bulacan na si Rida Robes ang “no vaccine, no classes” order ni Pangulong Rodrigo Duterte para maapatan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.

Sa kanyang Public address lunes ng gabi, May 25, sinabi ng pangulo “I will not allow the opening of classes na magdikit-dikit iyang mga bata na ‘yan. Bahala na hindi na makatapos unless I am sure that they are really safe. Para sa akin, bakuna muna (I will not allow the opening of classes where the kids will be close together. They can’t go to school unless unless I am sure that they are really safe. For me, there should be a vaccine first.)”


Pinapurihan ni Robes ang desisyon ng Pangulo sa pagsasabing “The COVID-19 pandemic is very serious. We cannot force our own schedules on it. It is best to wait for a vaccine to be developed or for more definite medical interventions to be easily available. Otherwise, we would be risking the lives of all the students, as well as their teachers, school employees, and their respective family members.”

INSENSITIVE

Matatandaan na inanunsiyo ng
Department of Education (DepEd) noong nakaraang Abril 30 na plano nilang opisyal na buksan ang schol year sa August 24. Sabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na gagamitin sa mga paaralan ang online learning setup. Nagdulot naman ito ng magkahalong reaksiyon ng publiko. Sa katunayan, ipinunto ng ibang indibiduwal na magdudulot ito ng kawalan ng opurtunidad na makapasok sa eskuwela ng mga estudyante na hindi kayang makabili ng equipment at internet connection na kinakailangan para sa online learning.

“To be frank, a lot of people thought that the DepEd has been rather insensitive about the matter,” sabi ni Robes. “They were adamant about opening in August even if we have not yet totally contained the virus. They had to wait for President Duterte to step in. I am very glad that he intervened. I’d rather sacrifice the school year rather than the lives of students and Filipinos in general. We can make up for time we lose in school, but we can’t bring back lost lives. Let’s all work together to come up with better solutions that won’t compromise anyone’s well-being.

Facebook Comments